Tanggap lang ng Tanggap

Kanina lang pagsakay ko sa colorum papuntang Taft ay nakasabay ko ang anak-anakan ko sa Days With the Lord Better Living Chapter na si Dorx. Kinamusta ko nga yung nangyari nong Days Weekend at sadyang natuwa naman ako sa mga kuwento niya. Ang dami kong namiss noong weekend na iyon. At bigla na lang nagbalik tanaw ang aking natutunan doon… at ito ang mga salitang… “Tanggap lang ng tanggap…”
Tanggap lang ng tanggap, iyan ang sabi ni Kuya Jess na kilalang Jesus Christ sa mga hindi nakapagDays. At sa lahat ng pagsubok na nadaanan ko sa buhay, tanggap lang ng tanggap… kahit mahirap, kahit minsan masakit. At sa tuwing dumarating na yung punto na malapit na akong sumuko, muli ko na naman maiisip ang mga katagang, “Tanggap lang ng tanggap…”
Lahat ng mga pagsubok na dumadaan sa buhay natin ay parang isang pagsusulit na binigay ng Diyos Ama. At tinitignan niya kung tatanggapin ba natin iyon ng buong buo at walang pasubali at kapag nangyari iyon, saka lang nating malalaman kung pasado tayo o bagsak sa pagsusulit niya.
Tanggap lang tayo ng tanggap mga kaibigan. Tanggapin natin ng buong puso ang lahat, maging ang tatanggapin man natin ay magdudulot ng saya o lungkot sa atin. Walang ibinibigay na problema sa atin na hindi natin makakaya. Tiwala lang tayo sa “kanya”.
Basta Ikaw Lord… Mahal kita.

Leave a Reply