Tanga Tangahan

Bato bato sa langit, ang tamaan huwag magagalit…

May mga taong tanga at mayroon ding mga taong tanga-tangahan. Pero sa palagay ko, masmasahol pa kapag nagtanga tangahan ka dahil:

1. Ikaw ay nagpapanggap!
Ang mga tanga tangahan ay nagpapanggap na tanga. Kunwari ay hindi nila maintindihan ngunit sa totoo lang ay naiintindihan nila.

2. Ikaw ay tumatakas sa responsibilidad.
Ang mga tanga tangahan ay tumatakas sa responsibilidad. Ito ay marahil sa ayaw nilang gawin ang mga bagay na dapat nilang gampanan.

3. Ikaw ang tipo ng tao na gusto mo ay isinusubo sa iyo ang isang kaalaman katulad kung paano subuan ang isang bata ng pagkain ng kanilang magulang.
Ang mga tanga tangahan ay tinuruan na kung paano mangisda ngunit gusto nila, iba pa ang mangingisda para sa kanila. Kaya sila ganito dahil ayaw nilang i-motivate ang kanilang sarili para matuto.

4. Ikaw ay isang garapata!
Dahil sa ginagawa mong pagtatanga-tangahan, ikaw ay umaasa sa iba na gawin yung responsibilidad na dapat mong gawin. Katulad ng isang garapata na nakadepende sa aso para mabuhay.

At sa mga tanga tangahan, panahon na para ikaw ay magbago! Ang mga taong mapagpanggap ay nabubuhay sa kasinungalingan. Kaya’t kung ako sayo, tumiwalag na sa mundo ng kasinungalingan dahil ang mga sinungaling ay katulad ng mga magnanakaw ng kaban ng bayan. Wala kang patutunguhan kung ganyan ka. Kung ginagawa mo iyon para tumakas sa isang responsibilidad, paano ka na lang kapag nagsarili ka na. Magtatangahan ka bang kunwari na hindi mo nakuha ang iyong bill sa kuryente nang makapagdahilan ka sa Meralco kung bakit hindi ka nakapagbayad? Kung ikaw ay gusto mo na parang sinusubuan ka tulad ng isang bata, alisin na ang ugaling iyan. Sa mundong ito, hindi lang natututunan ang isang bagay dahil sinabi ito ng iyong guro. Ang mga taong ganyan ay walang “maturity”. At ikahuli, kung ayaw mong tawagin kang isang garapata, magbago ka na. Kailangan nating matutong maging “independent”. Hindi habang buhay ay nasa puder tayo ng ating mga magulang na nagbibigay ng lahat ng kailangan natin. Paano na ang mga tanga tangahan sa mundo kung hindi sila magbabago? Tsk!

Leave a Reply