Punch Line

May mga hirit na sablay na kung saan ay hindi mo alam kung nagpapatawa ba yung isang tao o hindi. Mayroong mga hirit na corny na maiinis ka lang. At mayroong din mga hirit din namang nasa “timing” at bigla ka na lang tatawa. Ang mga hirit na ito ay tinatawag na “punch line”. Naalala ko lang bigla ang terminolohiyang ito noong kami ay nagkukwentuhan ng aking mga kaklase kanina.

Kanina, humirit yung isa kong kaklase ko habang haway niya ang UAAP Primer na kung saan sa isang pahina ay nakalagay na Message from the Don. Tinakpan nya ang salitang “the” at sabay hirit, “Tignan mo, may message ako dito.” Dahil namimiss ko na rin ang mga barahan namin, humirit ako ng “Weh..” na kung saan ay napahiwatig ko ng malinaw na corny ang hirit niya. At ang reaksyon naman niya ay tahimik lang siya at nakangisi tulad ni William Hung. Hehe.

Ngunit, saan nga ba nanggaling ang terminolohiyang “punch line”?

Ito kaya ay dahil sa ang punch line ay isang signal para tumawa ka? At ang signal na yun ay ang suntok (punch) na nagsasabi sa iyong utak na “Hoy, oras na para tumawa!”. At dahil sa matinding wapak na iyon ay tatawa ka nga.

Ang mga wapak mo ba ay sablay, corny o nasa timing?

Leave a Reply