Panaginip

Sa ating pag-idlip, ang subconscious mind natin ang nangingibabaw sa conscious mind. At ang produkto ng ating subconscious mind ay ang ating mga panaginip. May mga panaginip na sadyang panaginip lang talaga, katulad ng isang fairy tale na hindi naman talaga nangyari. Meron ding mga panaginip na nagsasabi kung ano ang mangyayari sa takdang panahon (mga premonition kumbaga). Meron ding mga panaginip na nagbibigay lang ng mga senyales, halimbawa, nanaginip ka na hinahabol ka ng aso, ang ibig sabihin non ay meron kang deadline na hinahabol. Kahit na ang isang bagay na tulad ng baso na may lamang tubig ay may interpretasyon din.
Pero minsan, ang mga panaginip na nagkakatotoo ay produkto ng konsepto na mind over matter. Siyempre, na-mind set na tayo na ito ang mangyayari, at dahil sa kakaisip noon, ayun, yun nga ang nangyari.
Naalala ko dati na nagkaroon ako ng panaginip na naalala ko yung bawat detalye non. Pina-interpret ko pa nga iyon dati sa isang thread sa PEx na Dream’s Journal sa may Realm of Thought. At nagulat ako sa mga interpretasyon nya, kasi may kabuluhan. Naisip ko non bigla na ang sarap siguro matuto kung paano mag-interpret ng mga panaginip. Pero bigla ko na lang naisip na, huwag na lang din. Parang yung sa mga may third eye at walang third eye…
“What you don’t know won’t hurt you…”

Leave a Reply