Paano Nabuo ang Aming Thesis Group

Maniniwala ba kayo na ang thesis group namin ay nabuo mga ilang minuto bago ipasa ang final list of members at proposed topic? Puwes, iyan ang buong katotohanan. Naaalala ko nong incoming 4th year pa lang kami ay meron na kaming grupo noon. Sa kasamaang palad, nakick out yung dalawa naming dapat na kagrupo at tatlo na lang kaming natitira sa grupo. Pagkatapos, noong mismong araw ng pasahan ng final list ng members at proposed topics, nilapitan ako ng isa, nagtatanong kung kulang pa kami, eh di sinabi ko oo. Tapos yung isa naman nalaman niya na kulang pa nga kami ng isa sa grupo kung kaya’t dali-dali siyang lumapit sa amin para lang magkaron ng kagrupo sa thesis.

Leave a Reply