Not Following Directions

KUPAL… PASOK!!! Pagpaumanhin nyo muna ang pagpost ko gamit ang Filipino. Marami talagang mga kupal ngayon sa mundo… magbabasa lang kung ano yung dapat gawin… simpleng instruksyon lang ay hindi pa mabasa. Tama ba naman yun mga katoto?
REKLAMO REKLAMO REKLAMO!!! Yan ang narinig ko!!! Salamat na lang sa 99.99 bahagdan na nakakaintindi at para sayo… sa 0.01 bahagdan na di marunong umintindi.. eto ang sayo… SAPOK!!!
Kung hindi alam ang gagawin, hindi naman tama yung magreklamo ka agad. Ang dapat ay magtanong at mag-usisa. Kaya di tayo umaasenso mga katoto dahil hindi tayo marunong sumunod ng mga pamantayan. Tignan nyo na lang, sa mga pagsusulit, bakit maraming bumabagsak na estudyante kahit nag-aaral sila? Ang sagot diyan ay ganire, dahil sa hindi sila nagbabasa ng mga instruksyon! Aaminin kong minsan ako’y muntik ng madali diyan, pero natuto na ako.
Kaya’t kapag sinabing bilugan ang sa tingin mong tamang sagot, iyon ay bilugan at wag mong i-box, o i-triangle, o guhitan. Baka mamaya, ang grado mo niyan ay hugis bilog rin.
Bato bato sa langit, ang tamaan wag magalit.

Leave a Reply