Masaya

Bagamat nangyari kahapon ang isang malagim na bagay na dulot ng isang sampal, ngayon naman ay nag-uumapaw ang puso ko sa kagalakan. Ito ay dahil sa maraming kadahilanan, mga kadahilanang hindi ko na kailangang sabihin.
Habang binabasa niyo ito, siguro nakikinita-kinita niyo na ang ngiti kong abot-tenga at ang trademark kong ngisi na paboritong gayahin ng lahat ng malalapit sa akin. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Tila nawala lahat ang stress sa katawan ko.

Leave a Reply