Ang Nilikha

DISCLAIMER: Ang pawang kasagutan sa katanungan ay kathang isip lamang. Salamat.

Tanong ng isa kong kaibigan,

“Bakit ba madaming panget sa mundo? Bakit di na lang ginawang maganda lahat ni God?”

Ang aking mga teorya:

1. Dahil madaming tulog na ina noong namigay si Lord ng mga biyaya.
Bago pa tayo ipanganak, alam na ng Diyos kung ano ang magiging itsura natin, ang katauhan natin. May mga araw na namimigay si Lord ng biyaya, at ang biyayang iyon ay ang Adnag. Ang Adnag ay ipinapamahagi tuwing kabilugan ng buwan, at sa hatinggabi. Dahil ang mga nagbubuntis ay kadalasang madaling maantok, hindi na nila naabutan ang mga biyayang pinagkakaloob.

2. Dahil magugunaw ang mundo kapag masyadong madaming maganda.
Dahil sa mahal tayong lahat ni Lord, ayaw niyang magunaw ang mundong tinitirhan natin kung kaya’t hindi siya lumikha ng maraming magagandang tao. Dahil sa kakaibang puwersang hindi maipaliwang ng mga magagandang likha, kung kaya’t ayaw niyang pahintulutan ang ganoong bagay. Ang puwersang iyon ay nag-uudyok sa paggalaw ng matinding galaw ng faultlines at ang di pa maipaliwanag na pagmagnet nito sa planetang Mars at Venus.

3. Dahil hindi magiging balanse ang ecosystem.
Hindi magiging balanse ang ecosystem kung napakarami ang magaganda. Ang paliwanag naman dito ay ang ratio ng “prey” at “predator” ay hindi na balanse. Ang nangyayari, puro “prey” na lang.

at ang pinakaseryosong sagot sa lahat…

4. Dahil hindi lahat ng maganda ay maaaring makita ng ating mata.
Gusto sa atin iparating ni Lord na “There’s more to than what the eyes can see”. Gusto niyang maranasan natin na tuminging hindi gumagamit ng mata. Gusto niyang tumingin tayo gamit ang ating puso. Gusto niyang maisip natin na ang kriterya ng kagandahan ay hindi nalilimita sa pisikal na kaanyuan lamang.

Leave a Reply